Wednesday, March 31, 2021

Natupad na Pangarap.. Ang Unang Sampa Ko!




Ngaung Panahon ng COVID maraming Seaman na matagal ng nakabakasyon lalo na sa Cruise Ship galing. Marami sa atin ang nag-iisip kung makakabalik pa ba o hindi na. 

Sa tagal na ng bakasyon ko naisip ko magsulat ng blog tungkol sa buhay barko ko at paano ako nagsimula naging Mandaragat.

Nung una Pangarap ko lang maging Seaman katulad ng aking Tatay. Nainspired ko sa mga pictures nya sa iba't ibang Bansa. Matagal nadin syang Seaman almost 30 Years na sya sa Holand American Lines kaya halos naikot na nya ang Buong Mundo.

Sabi ko sa sarili ko magiging Seaman din ako balang araw katulad ng Tatay ko. Kaya kumuha ako ng Passport ko taong Oct. 2013 at nagsimula ko mag-appy tru online and walk-in sa mga Cruise Ship Manpower Agency. Kaya lng umabot na ng 2016 wala p dn akong natatangap na tawag para sa interview. Ang inaaplyan kung trabaho bilang isang Seaman ay Ship Security dahil sa background ko  na kaylangan nila na Security na Certified X-ray Baggage Screener.

Nagtatrabaho ako sa Korean Company sa Hanjin Shipyard - Subic, Zambales bilang isang Security kung saan nag-ooperate ako X-ray baggage Screening at Team Leader din sa CCTV Control Room. Napakalaki na tulong ng Previous na trabaho ko para makapasok sa pagiging Seaman.

Taong 2016 ng March natawagan ako para sa isang interview. Intervew palang napakasaya ko na kasi nasa unang step na ako ng pangarap ko at dapat kung galingan. Araw ng initial interview lumuwas ako ng maaga papuntang Manila sa U.N para sa interview ko sa Magsaysay. Nagulat ako dahil sa dami ng applicants sa Security. Ibig sabhin madaming kalaban. Isat isang sumalang sa interview at natapos ng hapon ang kinalabasan lahat kami luhaan.Napakasakit!!!

Pero mukhang binulungan ng Anghel ang Interviewer namin binigyan kami ng 2nd Chance para mainterview ulit at nagbigay ng araw kung kylan babalik. Ayon gumaan ulit ang aking kalooban sa bagong pag-asa. Salamat Lord ang bulong ng bawat isa kasama na ako!!! 

Dumating ang Araw na binigay para sa Interview ulit. Nabawasan kami tinamad na siguro yung iba or nawala ng pag-asa dahil sa higpit ng Interviewer. Nag-antay kami mghapon hangang sinabi ng Asst. Fleet Manager cancel ang interview nyo at nagbigay ng date ulit. Napailing na lang kami sabay uwi.

Dumating na naman ang araw na binigay na Interview maaga na naman lumuwas ng Manila. Halos kalahati ang nabawas sa amin sabilang na 50 naging 30 na lng kami. Syempre nag-antay ulit mghapon sa interviewer at panay review sa sasabihin. Ayan na dumating na ang interviewer at sinabing may bad news ako cancel ulit ang interview nyo.Napakalungkot ubusan ata ng budget sa pagluwas to. Pero sabay sabi ng interviewer na may good news din sya. Wala ng initial interview lahat kayo pasok na sa final interview at binigay ang date.. Mukhang tinamad na.. Salamat Lord. Masaya ang lahat sa narining. Lalo na foreigner ang mag iinterview sa final. Para sa akin mas madali lang bulahan ang mga foreigner kaysa kapwa mong Pinoy.

Dalawang Linggo ang binigay na pagitan para sa final Interview at talagang pinaghandaan ko ito. Kahit na naka duty ako lagi akong ngsesearch na mga information about sa Ship Security na pwedeng tanungin. At Syempre Pinaghandaan ko din ung Tanung na hindi mawawala sa foreigner na Interviewer na Tell me about yourself!! Sinaulo ko ang yung sinagot ko dito kaya ung araw na interview walang kaba-kaba diritso salita agad pgkasabi nya ng Cristian Tell me about yourself. 

Natapos ang Final interview mag-antay daw kami ng 2-3 days na text kung nakapasa kami. 2 days palang lumilipas kinakabahan na ako di mapakali wala paring text. ikatlong araw hapon na wala pa ding text di na ako nakatiis ako na ang ngtext at nagtanung kung nakapasa ba ako. Ilang minuto lumipas may natanggap akong text na nakapasa ako sa final interview at nagbigay ng date para magreport ako. Ayun napasigaw ako ng malakas na YES!!!!! Syempre kumulat yun sa Department namin at nakapasa din ung kasama ko na nainterview madaming nainspired sa amin at gusto na din mag Seaman.

Lumuwas ako ng Manila papuntang Magsaysay para magreport at ito na nga totoo na. Matutupad na ang pangarap kung maging Seaman bilang Ship Security sa Costa Crociere. Pinapakuha na ako ng Requirements at Training para makasampa na. Syempre ayon isa-isa kung tinapos ang training at masaya din ang na experience ko sa training. Akala ko mag eexpired yung Passport ko na hindi ako nakakaalis 2 Years na lang kasi paexpired na. Buti na lang may bumulong na Anghel sa Interviewer nmin bigyan kami ng Second Chance. Haha!!

Ito na araw na ng alis ko may kulang pa sa Papel ko Work Order daw wala pa. Kaylangan daw bago umalis maghapon kami nag-antay 1 oras na lang flight ko na. Kinakabahan ako macacancel pa ata mauudlot pa ata pangarap ko ha. Pero last 45 mins lumabas na ang work order. Ayon kilabasan nagpahatid ako sa motor para mahabol yung oras ng Flight ko. Ako ata nag pauso nung Angkas..Hehehe!!!Hindi na ako naihatid ng mag-ina ko sa Airport naiwan na sila sa Magsaysay.

At ito na ang unang alis ko at unang sampa sa Eroplano. May halong excitement at kaba kasi 1st time nga. Buti na lang may kasabay akong 2 pero first timer din pero atlis may kasabay nga. Dumating na kami sa Bansang Costa Rica - Puntarenas. Ito na dito na kami magsisimula na ang bagong kabanata sa buhay ni Cristian bilang Seaman. Pero parang Scam 3 hrs na kami ng aantay wala pang sundo kinakabahan na kami kasi pare parehas first timer.. Pero sa wakas may Sumisigaw na ng Costa Luminosa yun yung pangalan ng Barkong sasakyan namin.

At ayun hatid sa Hotel kinabukasan pick-up. Simula ng panibagong pakikisama. Masarap na mahirap ang buhay sa barko pero kaya babalik balikan mo.

Kayla kaya ulit ako makakasampa. Sana Matapos na tong Pandemic na to..nakakamiss ang buhay sa Barko lalo na pag-ubos na ang budget mo sa bakasyon.hahaha!!!!

Mga Ka Seaman wag kaung mawalan ng Pag-asa ganun din sa mga nangangarap na maging Seaman..Darating ulit ang araw natin.. Salamat!!!